Celebrity Life

EXCLUSIVE: Maine Mendoza asks Alden Richards: 'How to be a bae?'

By BEA RODRIGUEZ

 

 

Binalikan ng phenomenal love team at Destined To Be Yours stars Alden Richards at Maine Mendoza ang kanilang pinagsimulan sa Eat Bulaga kasama ang mga Trops baes.

Nabuo ang baes sa pamamagitan ng That’s My Bae segment ng noontime show na pinangungunahan ni Pambansang Bae Alden RIchards.

Wala raw pinagbago ang mga baes na sina Kenneth Earl Medrano, Miggy Tolentino, Kim Last, Tommy Peñaflor, Joel Palencia at Jon Timmons mula nang manalo sila sa segment.

IN PHOTOS: Taste Bae-ddies lessons from Kenneth Earl Medrano and Kim Last 

Ayon kay Yaya Dub, “Super friendly sila at sila talaga ang nag-a-approach sa akin. Kung anong nakikita ng mga tao sa kanila on-cam, ganun din naman sila off-cam. Pa-pogi [at] pa-cute, typical na bae. Siyempre namana nila ‘yun sa Pambansang Bae Alden Richards.”

Matatandaang si Alden ang nagtuturo ng mga “Lessons of the Bae” kasama ang kanyang dating co-host na si Sam YG. Hirit ng kanyang leading lady, “May workshop kaya sila sa iyo, “How to be a bae?”

IN PHOTOS: ‘Eat Bulaga’s’ Lesson of the Bae from Alden Richards 

Sagot ng charming actor, “Extra projection lang on-cam kasi siyempre pa-pogi. Be yourself always.”

Dapat sakto lang daw ang pagpapa-cute, “‘Yung charm niyo, gamitin niyo in good ways, huwag niyong abusuhin, huwag niyong i-overuse kasi lahat ng sobra [ay] nakakainis.”

MORE ON TROPS:        

READ: AlDub, happy at proud sa narating ng ‘Trops’ baes

READ: ‘Trops’ stars, nagpasalamat sa success ng kanilang first-ever concert 

LOOK: Kim Last, binati ng ‘Sunday PinaSaya’ sa success ng ‘#TropsGoals’ concert