Celebrity Life

WATCH: Scare box challenge nina Kyline Alcantara at Pauline Mendoza, may 1 million views na!

By Marah Ruiz

Bilang bahagi ng Kapuso Exclusives, sumabak sina Kambal, Karibal stars Kyline Alcantara at Pauline Mendoza sa Scare Box Challenge.

Kailangan nilang ipasok ang kanilang mga kamay sa isang box para kapain at hulaan kung ano man ang nasa loob nito. 

Kabilang sa mga kailangan nilang hulaan ay mga hamster, uod at itlog na may nakatusok na toothpicks. 

Tila takot na takot at madalas mapatili si Pauline habang cool na cool naman si Kyline. 

Sa kasalukuyan, may one million views na ang video sa Youtube. 

Panoorin ang kanilang Scare Box Challenge dito: