TV

WATCH: Kyline Alcantara, inaming na-challenge sa kaniyang role sa 'Kambal, Karibal'

By Felix Ilaya

Nakipag-live chat ang Kambal, Karibal stars na sina Kyline Alcantara at Pauline Mendoza sa Kapuso ArtisTambayan. Dito, tinanong ang dalawang young actresses tungkol sa kanilang roles sa GMA Telebabad drama series.

Inamin ni Kyline na siya raw ay talagang na-cha-challenge sa pagganap kay Cheska na may elements ng pagiging bida at kontrabida.

Aniya, "Challenging 'yung role na binigay sa 'kin so thankful ako na they gave their trust sa akin. Nahihirapan ako pero at the same time, I'm having fun."

Gayunpaman, sinabi ni Kyline na nadadalian siyang gumanap bilang kontrabida at tinitingala pa niya ang mga beteranang kontrabida. "'Pag tinatanong ako kung ano'ng gusto kong maging role, kontrabida talaga. I'm a fan of Bella Flores, The Queen of all Kontrabidas, and Miss Cherie Gil," wika niya.

Hindi rin daw takot ma-bash si Kyline kahit ito na nga ang kaniyang "breakfast, lunch, and dinner" dahil pruweba ito na ginagampanan niyang mabuti ang kaniyang karakter.

Panoorin ang Kapuso ArtisTambayan highlight below para malaman kung ano ang pinaka challenging na scene na kanilang ginawa sa Kambal, Karibal.