Celebrity Life

Rochelle Pangilinan, bakit natutuwa noon kapag baha?

By Cherry Sun

Dahil tag-ulan at baha na naman, hindi naiwasan ni Rochelle Pangilinan na ibahagi ang kanyang nakakatuwang alaala tungkol sa baha.

Noong bata raw si Rochelle, madaling araw ay gising na raw siya 'pag baha sa Dampalit na kadalasan ay tumataas nang lagpas-ulo.

Aniya, “Alam namin kung gaano kabilis umaakyat ang tubig baha at kung kailangan na bang itaas ang mga gamit etc. Minsan nga nagising ako kapantay na ng baha ang papag na tinutulugan ko.”

Pero kahit masasabing hassle at peligroso ang kanilang nararanasan, masaya pa rin daw siya noon.

Patuloy ni Rochelle, “Bilang bata masaya ako kapag baha,walang pasok  at makakapaglaro ako kasama ang mga kaibigan, makakapagswimmingkami (malinis pa ang tubig baha dati, ngayon green na ) at higit sa lahat may ulam kami agad, kasi maraming isda dyan sa baha galing sa mga palaisdaan, kaya naglalabas na din kami ng lambat para makahuli ng pangulam.”

“Haaayst...ang sarap talagang maging bata,” dagdag din niya.