Celebrity Life

EXCLUSIVE: Mikee Quintos, nag-disenyo ng bahay para sa bulag

By Marah Ruiz

Kasalukuyang kumukuha ng kursong BS Architecture si Kapuso actress Mikee Quintos sa University of Santo Tomas (UST).

Mikee Quintos


Dahil isinabay niya ang pag-aaral at pag-aartista, hindi raw maiwasan na sa set pa niya mismo ginagawa ang ilan sa kanyang school requirements.

Sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com, ibinahagi ni Mikee na minsan na siyang gumawa ng 'design plate' sa set ng Encantadia.

Ang design plate ay mga drawing ng proposal ng disenyo para sa isang istruktura tulad ng bahay.

Espesyal daw ito para sa kanya dahil ang kinailangan niyang mag-disenyo ng bahay para sa isang bulag.

"'Yung client is a 45-year-old man. Kelangan may pool 'yung house--requirement siya kasi very sporty siya. He's legally blind. Parang 20% lang 'yung nakikita niya 'pag may sunlight, may aninag. But when it's dark, 'pag walang natural light doon siya totally bulag," paliwanag ni Mikee.

Ilang solusyon naman ang inilapat niya sa disenyo ng bahay para maging praktikal ito para sa kliyente.

"I made the walls and the whole house all white para 'yung reflection ng ilaw, malakas--para all over, maliwanag. Nakahanap ako ng ilaw na medyo mahal pero it's designed to give light na parang natural sunlight. Yun 'yung nilagay ko all over the house.

“The walls, may textures. In the sala, ito 'yung feel noong wall, so he would know (the different rooms). Very minimal walls lang, very open area lang. Mas ma-glass," kuwento niya tungkol sa disenyo.

Sa kasamaang palad, hindi naman naipasa ni Mikee ang proyekto.

"That was one of my last (designs). During Encantadia ata ginagawa ko 'yun. Unfortunately, hindi ko siya napasa, so hindi nagka-grade. Tinapos ko naman though, 'yung project. I enjoyed that," aniya.

Bahagi si Mikee ng cast ng inspiring GMA Telebabad series na The Gift na umiikot sa bulag na clairvoyant na si Sep. Tunghayan ito Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Beautiful Justice sa GMA.

IN PHOTOS: The enviable OOTDs of Mikee Quintos in Japan

Mikee Quintos, Arra San Agustin, and Andre Paras run into each other in Osaka