Celebrity Life

Kris Bernal converts restaurant business to a food mart

By Dianara Alegre

Matapos ang ilang buwan na temporary closure ay muli nang binuksan ni Kapuso actress Kris Bernal sa publiko ang kanyang Korean barbecue grill restaurant, ang House of Gogi.

At nitong Biyernes, July 24, hindi na ito lang isang restaurant dahil ginawa niya na rin itong mini-mart.

Inanunsiyo ni Kris ang development ng business niya sa kanyang Instagram.

“We have reopened HOUSE OF GOGI, which we now turned to GOGI MART! Don't worry, we will still continue to satisfy your KBBQ cravings! Just made a few changes by adding more items!,” aniya.


Samantala, sa panayam ng 24 Oras kay Kris noong June 5, inamin niyang isa siya sa mga business owner na umaaray ngayong may COVID-19 pandemic dahil ilang buwan ding hindi nag-o-operate ang kanyang restaurant.

Bago tuluyang magbukas ay matinding pagpaplano raw ang ginawa ni Kris para maging ligtas sa mga empleyado at customers sa pagbubukas ng kanyang restaurant.

“Ang hirap talaga. Nag-adjust talaga ako from operations, menu and sa sanitation nu'ng restaurant, sa number of employees na papasok,” dagdag pa niya.

Source: krisbernal (IG)