Celebrity Life

Kate Valdez, halo-halong emosyon ang naramdaman nang magdiwang ng birthday sa gitna ng quarantine

By Felix Ilaya
Published September 17, 2020 5:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Kate Valdez


Paano ipinagdiwang ni Kate Valdez ang kaniyang kaarawan habang naka-quarantine last August? Alamin sa kaniyang 'Kapuso Showbiz News' interview, dito.

Isa si Kate Valdez sa mga celebrities na inabutan ng kanilang kaarawan habang quarantine nang nag-celebrate siya ng kaniyang 20th birthday nitong August 21.

Quarantined Birthday ? No problem ! 💪🏼😉 Gusto ko pong pasalamatan yung mga taong nag greet sa akin and to all of your warm, sweet and lovely messages ✨🥺 For those who sent me gifts, thank you. 😘 As well as sa mga nag padala ng foods 🙊 Thank you po dahil nadagdagan po ang aking handa. 😂😁 I still had the best birthday despite of our current situation. 🥂🎉 I am also thankful to my family. ✨ Mama, Karen and Daddy for helping me put this all together. You guys never fail to make me feel special. 🥰 I love you guys! ✨ Cheers to more years of celebration 🥂 #KateAtTwenteen 😳

Isang post na ibinahagi ni Kate Valdez (@valdezkate_) noong

Sa exclusive Kapuso Showbiz News Interview with Kate, ikinuwento ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday star kung papaano niya ito ipinagdiwang sa kabila ng kasalukuyang pandemic.

Aniya, "Actually natakot ako kasi sabi ko, 'Paano ko ise-celebrate 'yung birthday ko na hindi ko ma-feel na parang nakakulong lang ako sa bahay, na may nangyayari, na hindi ko ma-feel na birthday ko?'

"Pero sa awa ng Diyos hindi ko naman naramdaman 'yon. Actually naging excited ako sa birthday ko na first time ko pong ginawa, with the help of my family, na nag-decorate kami sa bahay, nag-ano kami ng balloons.

"Tapos unexpected andami nagpadala sa 'kin ng mga gifts, mga food, as in 'Wow, not bad for a quarantine birthday.' So enjoy pa rin po siya pero hindi ko dine-deny na medyo nalungkot ako kasi gusto i-celebrate 'yung birthday ko with my friends and relatives ko sa Cavite. I'm still blessed pa rin dahil kasama ko 'yung family ko. We're healthy, walang may sakit sa 'min, maraming blessings na dumarating pa rin. All-in-all, nairaos ko po at naging okay naman ang aking celebration at masaya naman."

Kasalukuyang balik-taping na si Kate para sa kaniyang Kapuso Primetime drama series na Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday. Sa aming panayam sa aktres, ikinuwento niya ang kaniyang naging karanasan sa protocols ng new normal taping.

Kate Valdez becomes muse for upcoming horror comic slated for 2021 release

Kate Valdez hits 1 million followers on Instagram