Celebrity Life

Maricris Garcia, hanga sa lakas ng mga kababaihan

By Maine Aquino

Mas humanga umano si Maricris Garcia sa mga kababaihan ngayong ipinagbubuntis niya ang kanilang unang anak ni TJ Cruz.

Ayon sa online interview ni Maricris, humanga siya lalo sa lakas ng mga babae.

Maricris Garcia / @maricrisgarcia_cruz

"Sa totoo lang simula noong nabuntis ako, naging iba 'yung tingin ko sa lahat ng babae. Kasi hindi siya madali at sobrang hanga ako."

Isa sa mga iniidolo niya ngayon ay kanyang ina.

"Wala akong isang tao na pinakaina-idol eh. Siguro kung meron man siyempre 'yung nanay ko."

Kuwento rin ni Maricris na ilang celebrity moms ay kanya umanong kinukumusta. Nagpapadala si Maricris ng mga mensahe para magtanong tungkol sa motherhood and parenting.

"Sa showbiz, lahat ng nanay na nakikita ko 'yung mga posts nila, mini-message ko sila. Tinatanong ko, kinakamusta ko kung paano ba 'yung ganito, paano 'yung ganyan."

Ikinatuwa rin ni Maricris dahil nagbabahagi rin sa kanya ng experiences ang ilang celebrity moms na kanyang pinadalhan ng mensahe.

"Nakakatuwa rin na maka-receive ka ng mga advice at marinig mo 'yung mga experiences nila kasi sobrang laking tulong 'yun."

Nakatakdang ipanganak ni Maricris ang kanyang baby girl sa second week ng January 2021.

ALSO READ:
Aicelle Santos, Maricris Garcia share pregnancy symptoms

Maricris Garcia, sinabing "answered prayer" ang kanyang pagbubuntis