Showbiz News

Maricris Garcia, sinabing 'answered prayer' ang kanyang pagbubuntis

By Aedrianne Acar

Excited na ang first-time mom na si Maricris Garcia sa pagdating ng kanyang supling sa non-showbiz husband na si TJ Cruz.

Sa Instagram Story ng Pinoy Pop Superstar grand winner, ibinahagi nito ang nararamdaman niya sa kanyang pagbubuntis.

Sabi niya sa post, “Ikot siya ng ikot. Malikot.

“Nakaka-iyak. Nakakatuwa. I love you!”

Kaugnay nito, ikinuwento ng Kapuso singer na tinuturi niyang “answered prayer” ang baby nila ni TJ matapos sila bumisita sa Taiwan noong Pebrero.

Isa sa patok na atraksyon sa mga nagbabakasyon sa Taiwan ang pagpunta sa Shifen Old Street kung saan puwede mong isulat ang mga hiling mo sa isang sky lantern.

Kuwento ni Maricris, “During our trip to Taiwan last February, we made sure to visit this place so we can send up our wishes.. 2 months after and it was granted!!! Still couldn't believe we are starting a family.

“We may be in a crazy world right now but knowing that we are going to meet you in a few months gives us hope.. We are so looking forward to that day! Can't wait to meet you my love.”

Ikinasal sina Maricris at TJ Cruz sa San Antonio de Padua Church noong December 2016.

EXCLUSIVE: Maricris Garcia, gusto na ba magka-baby?

Maricris Garcia, inisip na bang iwan ang showbiz?