Celebrity Life

Maricris Garcia, pipiliin bang itago sa social media ang kanyang anak?

By Maine Aquino

Inamin ni Maricris Garcia sa online interview kung pipiliin niya ang privacy sa kanyang baby o magpo-post siya ng photos and videos sa social media.

Ayon kay Maricris, "Feeling ko hindi ko mapipigilan i-share eh."

Kuwento pa ni Maricris, nakaka-overwhelm ang kanyang saya sa pagkakaroon ng baby para hindi ito mai-share online.

Maricris Garcia and TJ Cruz / @maricrisgarcia_cruz

"Kasi 'di ba 'yung nakaka-overwhelm sobra 'yung saya mo eh. Ngayon pa nga lang kung puwede mo lang ikuwento bawat sipa niya sa tiyan mo gagawin mo."

Saad pa ni Maricris may limit ang kanyang pagshi-share sa social media, pero nasisiguro niyang ang important milestones ng kanyang baby ay makikita ng kanyang followers.

"Siguro hindi ako magiging ganon ka-private. Pero kung milestones siyempre ishi-share ko 'yun."

Sa ginanap na 33rd birthday ni Maricris, ibinahagi ni Maricris na baby girl ang kanyang ipinagbubuntis. Ibinahagi rin ng Kapuso star na ang baby nila ni TJ Cruz ay due sa second week ng January.

ALSO READ:
Maricris Garcia, nasilayan ang anak for the first time sa pamamagitan ng ultrasound

Pregnant Maricris Garcia is blooming at 23 weeks!