Celebrity Life

Paolo Contis pays tribute to his kumpare Jamir Garcia

By Jansen Ramos

Nagbigay-bugay si Paolo Contis sa kanyang kaibigan si Jamir Garcia matapos itong bawian ng buhay kamakailan.

Ipinost ni Paolo sa Instagram ang kanilang larawan kasama ang kani-kanilang pamilya.

Sa caption, sinabi ng aktor na lubos niyang hinahangaan ang pagiging ama ni Jamir sa kanyang mga anak.

Panimula ni Paolo, "Maraming tumitingala sa'yo bilang ROCKSTAR! Pero mas tiningala kita sa iyong pagiging AMA! @jamir_garcia."

ensahe pa ng Kapuso star kay Jamir na ninong ng anak niyang si Summer Ayanna, "Kumpare, I promise to share our great memories to your inaanak! Until we meet again!"

Natagpuang walang buhay si Jamir sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. Sangandaan, Project 8 noong Huwebes ng umaga, November 26.

Sinugod ang band vocalist sa Metro North Medical Center Hospital pero idineklara siyang dead on arrival.

Bukod kay Paolo, nagpaabot din ng pakikiramay ang mga OPM artist, gaya nina Chito Miranda, Rico Blanco, Kean Cipriano, at Mark Escueta, sa biglaang pagpanaw ni Jamir.