Celebrity Life

Tekla, pumapayat nga ba ng dahil sa bisyo?

By Cherry Sun

Pansin ng netizens ang pagpayat at pagka-haggard ni Tekla. Ano nga ba ang katotohanang muli siyang nalulong sa bisyo?

Sa pamamagitan ng joint YouTube channel niya at ni Donita Nose, nag-live ang DonEkla in Tandem upang sagutin ang mga haka-haka at paratang tungkol sa TBATS host.

Isa sa kanilang nilinaw ay ang biglang pagpayat at pagka-haggard ni Tekla na diumano'y dahil daw sa pagbalik nito sa bisyo.

Mabilis itong pinabulaanan ni Tekla at sinabing iba ang sanhi ng kanyang pagpayat.

Wika niya, napansin daw niya ang kanyang pagtaba kaya't nagsimula siyang mag-diet. May ilang araw daw siyang iisang meal lang ang kinakain sa loob ng iisang araw at nagbawas na rin daw ang komediyante sa pagkain ng kanin.

Aniya, “Tinitingnan ko rin 'yung itsura ko kasi required din sa TV, sa amin sa TBATS. Sa TBATS, 'pag tinitingnan 'yung frame mo, hindi na magandang tingnan, so kailangan mong magdiyeta.”

Humingi rin si Tekla ng paumanhin sa DonEkla fans. Ang kanyang pagka-haggard daw kasi ay dahil sa kanyang pagpapabaya sa pagbibihis at pag-aayos tuwing haharap sa camera.

“Lately kasi pag nagba-vlog tayo, tinatamad akong mag-make-up… Minsan kasi nagkakaroon tayo ng petiks eh. Ako, especially sa akin, medyo may slight tamad factor din ako eh.

"So pag tinopak, 'Sige 'te, okay na 'yan. Mema lang. May ma-video lang or may mai-content lang na hindi ko isinaalang-alang kung ano magiging looks ko, kung ano magiging dating sa tao.

"Sorry and I forgot that 'Ay, performer pala ako.' Tinitingnan pala ako ng tao so kailangan 'yung itsura ko presentable, maayos.”

Pag-anunsyo rin ng DonEkla in Tandem, sa susunod nilang vlog ay ibabahagi raw nila ang kanilang fitness regimen.

Kasabay ng kuro-kurong ito ay ang usap-usapang nakipagbalikan na rin ang komedyante sa kanyang ex na si Michelle Bana-ag na aminadong nalulong din sa ipinagbabawal na gamot.

Panoorin ang vlog ng DonEkla rito:

Samantala, balikan ang mga naging pagsubok at tagumpay ni Tekla sa buhay sa gallery sa ibaba: