TV

Lovi Poe, na-enjoy ang kamalditahan sa 'Legacy'

LEGACY ay magtatapos na sa June 1.

Simula ng ito ay mapanood sa telebisyon, naging maingay ang programa dahil sa angking ganda ng istorya at mahusay na pagkakagawa ng bawat episodes.

Nagpahayag naman ng pagkalungkot sa nalalapit na pagtatapos ang Kapuso Actress na si Lovi Poe. “I will surely miss playing Natasha Alcantara, the character whom I have learned to love so much.”

Talagang ang karakter ni Lovi bilang Natasha Alcantara ay minahal, kinaisan at patuloy na hinahangaan. Dagdag pa niya, “I’m grateful to the writers, creative staff and our directors, for allowing me to put life into Natasha, this is so far my most memorable role on tv.”

Pero kahit magtatapos na ang seryeng LEGACY, hindi naman mawawalan ng trabaho ang dalaga. Mas lalong niningning ang kanyang kasikatan sa paggawa niya ng 2 pelikula. Isa na dito ang Guni-Guni at isang drama film kung saan makakasama niya si Jennylyn Mercado.

Samantala, dadayo ng Hong Kong si Lovi sa June 9 para sa Run Freedom and Friendship Ball at sa June 10 sa “Tayo Na, Magkaisa” Fiesta.

Huwag palampasin ang glossy finale week ng LEGACY pagkatapos ng Luna Blanca sa GMA 7.