GMA Logo Derek Ramsay, Ellen Adarna
Celebrity Life

Derek Ramsay and Ellen Adarna share never-before-seen marriage proposal footage

By Aimee Anoc
Published August 12, 2021 10:40 AM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Derek Ramsay, Ellen Adarna


Ipinakita nina Derek Ramsay at Ellen Adarna ang buong pangyayari sa naganap nilang marriage proposal.

Ibinahagi nina Derek Ramsay at Ellen Adarna ang buong pangyayari sa naganap nilang marriage proposal noong Abril.

Ang inakala ni Ellen na isang simpleng birthday celebration, may naghihintay rin palang malaking sorpresa.

A post shared by Ellen Adarna (@maria.elena.adarna)

Mapapanood sa kanilang “Derek and Ellen” YouTube channel ang eight-minute video kung saan sinorpresa ni Derek ang nobya ng kasal.

Pero bago ipakita ni Derek ang tanong, humarap muna sa isang challenge si Ellen kung saan kailangan niyang hanapin ang mga notes na naglalaman ng clues sa kanilang bahay.

Para magtagumpay sa sorpresang inihanda, nagpanggap din si Derek na tinutulungan si Ellen sa paghahanap ng clues sa labas ng bahay, sa loob ng kwarto, at maging sa elevator.

Nang makarating na sila sa rooftop, nagulat si Ellen nang makita ang kanyang pamilya na naroroon para ipagdiwang ang kanyang kaarawan. Bago pa man hipan ni Ellen ang kandila sa kanyang birthday cake, sinabihan ito ni Derek na basahin ang isa pang clue.

"A special surprise is waiting," ani ni Ellen, at hindi na nabigyan pa ng pagkakataon na tapusin ang binabasang clue.

A post shared by Ellen Adarna (@maria.elena.adarna)

Habang nakatingin pa rin ang aktres sa papel na binabasa, pumunta sa likuran niya si Derek at tinanggal ang mga lobong nakaharang sa sorpresa nitong nakasulat: "Will you marry me?"

Dahil sa gulat, ang tanging nasabi na lamang ni Ellen ay "oh my gods" habang umiiyak. Maya-maya pa ay ibinigay niya na rin ang kanyang “Oo.”

Matapos nito ay niyakap nina Ellen at Derek ang isa't isa at nagpakuha ng larawan kasama ang mga anak na sina Elias Cruz at Austin Ramsay.

Bago pa man matapos ang video, nagbiro si Ellen habang ipinapakita ang kanyang singsing: "No choice."

Una nang ipinakita ni Ellen ang pasilip ng kanilang marriage proposal noong April 1.

nak ni Ellen si Elias kay John Lloyd Cruz, habang si Austin naman ay anak ni Derek sa dati nitong asawa na si Mary Christine Jolly.

Samantala, balikan sa gallery na ito ang engagement nina Derek Ramsay at Ellen Adarna: