Celebrity Life

Co-stars ni Herlene Budol sa 'Stories From The Heart', bumisita sa burol ng kaniyang Nanay Bireng

By Aedrianne Acar

Pilit nagpapakatatag ng Binibining Pilipinas candidate na si Herlene Budol a.k.a Hipon Girl, na dumadaan sa matinding pagsubok dahil sa pagpanaw ng kaniyang lola na si Nanay Bireng.

Pinagkukunan ng lakas ngayon Herlene ang suporta na natatanggap ng kanilang pamilya mula sa mga kaibigan at malalapit na tao sa kanilang buhay.

Kabilang na rito ang Kapuso actresses na sina Klea Pineda at Kim Rodriguez na personal na nakiramay kay Herlene sa burol ng kaniyang Nanay Bireng.

Kaya naman taos-puso ang pasasalamat ni Herlene sa dalawa kapwa aktres, "Thank you Klea Pineda & Kim Rodriguez for thinking of our family during this difficult time."

Nakatrabaho ng aspiring beauty queen sina Klea at Kim sa dating GMA AFternoon Prime mini-series na Stories From The Heart: Never Say Goodbye noong 2021.

Samantala, tagos sa puso ang isa pang post ni Herlene sa Instagram tungkol sa kaniyang lola, kung saan bumili ito ng damit na ipapasuot dito sa burol.

Kuwento ng Kapuso comedienne, “Dati, pag may natira ako sa kinita ko sa taping, agad agad ako bibili ng pasalubong kina Tatay Oreng ko at Nanay bireng kaht tsinelas, duster o kaht anong simpleng pasalubong makita ko lang 'yung gandang ngiti nila at may bonus pa akong masarap na yakap galing sa kanila.

“'Tapos 'yung mag-TikTok kami at tuturuan ko pa sila sumayaw at sabayan lang ako mag-TikTok. Ang babaw lang ng kaligayahan ko mga Ka-squammy ko parang bata lang sa Hipon girl nyo...'yung mapasaya ko sila ay sobrang priceless na po para sa akin, dahil kulang pa yung pag aaruga nila sa akin sa dalawampu't dalawa taon sa akin.”

Pagpapatuloy ni Herlene, “Ngayon, napakabigat sa dibdib ko dahil eto na 'yung huling damit na ibibili ko para kay Nanay. Hindi ko na siya makasama sa TikTok at kulitan. Ang sakit sakit mawalan ng taong mahal mo sa buhay.

“Si Nanay Bireng at si Tatay Oreng ang number #1 fan ko at proud na proud sa akin sa bawa't appearance ko sa television at wala silang linalagpasan sa lahat ng appearance ko simula ng Wowowin days. Sobra ko silang na-appreciate dahil laging silang nakaabang sa TV at proud ako sabihin sa buong Ka-Squammy, Ka-hiponatics at Ka-budol ko dyan na sila Tatay Oreng at Nanay Bireng pinalaki ako ng maayos ang buhay ko.”

Samantala, narito ang ilang celebrities na nagluksa rin dahil sa pagpanaw ng kanilang mahal sa buhay: