GMA Logo Kuya Kim
Celebrity Life

Kuya Kim Atienza recalls having an undiagnosed health condition

By Jimboy Napoles
Published July 8, 2022 7:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Kuya Kim


"I was so in love with TV I neglected exercise and eating right." - Kim Atienza

Binalikan ng TiktoClock host na si Kuya Kim Atienza ang panahon kung saan nagkaroon siya ng undiagnosed health condition na labis na nakaapekto sa kanyang pangangatawan.

Sa Instagram, ibinahagi ni Kuya Kim ang ilan sa mga larawan niya noong 2009 kung saan kapansin-pansin ang mataba niyang pisngi na epekto ng Hashimoto's Hypothyroidism.

Kuwento ni Kuya Kim sa kanyang post, " #flashbackfriday 2009 a year before I had my stroke.

"My pudgy face was caused by undiagnosed Hashimoto's Hypothyroidism."

Aminado rin ang Kapuso host na napabayaan niya ang sarili dahil sa labis na pagtatrabaho noon.

Aniya, "I was so in love with TV I neglected exercise and eating right."

A post shared by Kuya Kim (@kuyakim_atienza)

Makikita rin sa isang throwback photo ang larawan nila noon ng resident meteorologist ng GMA na si Nathaniel Cruz o mas kilala bilang Mang tani.

Simula naman nang siya ay makaranas ng stroke ay binago ni Kuya Kim ang kanyang life habits at nagsimulang mag-ehersisyo.

"I suffered a stroke that changed my life habits a year after,” ani Kuya Kim. "I've lost around 12 pounds since.”

Dagdag pa niya, "Thank you God for health and TV!"

Samantala, bukod sa 24 Oras at Dapat Alam Mo!, mapapanood na rin si Kuya Kim sa newest variety show ng GMA na TiktoClock kasama ang comedienne-actress na si Pokwang at beauty queen-turned-actress na si Rabiya Mateo ngayong Hulyo.

Mas kilalanin naman ang Kuya ng bayan na si Kuya Kim sa gallery na ito: