Celebrity Life

“I’m happy with my love life” - Tom Rodriguez


Lalong nadaragdagan ang pogi points ni Kapuso heartthrob Tom Rodriguez ngayon na may album na siya with no less than his My Husband’s Lover ka-love team, Dennis Trillo.

Kita sa mga ngiti at positive aura ni Tom na inspired siya.

Sino nga ba ang nagpapasaya kay Tom?

Natanong si Tom noong TomDen album launch kung totoo ba ang mga bali-balitang espesyal na ang closeness nila ng My Husband’s Lover leading lady niya na si Carla Abellana.

Agad niyang itinanggi ito. Aniya, “Nirerespeto ko siya as an artist and co-actor, so kailangang may objectivity ka na you won’t let yourself…especially, she has a partner. Hindi talaga.”

Dagdag niya, “I’m very sure naman na si Geoff [Eigenmann] would understand kasi he’s put in similar situations din when he has to do shows din. Napag-usapan din naman namin ni Carla ‘yun na we both respect naman each other.”

“I respect her fully. Kung may interpretasyon mang ganoon, siguro I will apologize na lang, but that is not my intention,” pagpapaliwanag niya.

Wala bang posibilidad na mahulog ang kanyang loob sa isang babaeng kagaya ni Carla Abellana?

“Puwede, pero not at the moment. I’m very happy with what I have and where I am right now,” sagot niya.

“I’m happy with my love life,” saad niya.

Hindi na idinetalye ni Tom kung nasa isang relasyon siya ngayon o kung sino ang espesyal na babae sa kanyang buhay.

Kung may kanta mula sa TomDen album na pwede niyang i-dedicate sa taong espesyal sa kanya, ito raw ang Ikaw Ang Sagot.

Available na ang TomDen album nationwide sa Astroplus, Astro Vision, Odyssey Music and Video, The Landmark, at sa SM Music and Video outlets. Available na rin ito on digital format worldwide sa iTunes, Amazon, Spotify at OPM2GO.  - Text by Samantha Portillo, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com