Celebrity Life

Does Carla Abellana still believe in love?

By Jimboy Napoles

Masaya at makahulugan ang naging panayam ng Kapuso actress na si Carla Abellana sa latest vlog ng TV host na si Luis Manzano kamakailan.

Bagamat ito ang unang beses na napanood ang dalawa na magkasama, ay sinabi nang dalawa na matagal silang magkaibigan at ngayon lang natupad ang kanilang plinanong collaboration.

Feel good naman ang naging usapan nina Carla at Luis na kapwa nagkuwento sa kanilang mga buhay ngayon.

Isa sa itinanong ni Luis kay Carla ay tungkol sa usapin ng "love" na agad namang sinagot ng aktres.

"Does Carla still believe in love?," tanong ni Luis.

Makahulugan naman ang naging sagot dito ni Carla. Aniya, "Honestly, marami namang definition ng love, but yes, of course."

"Kung walang love, wala tayong buhay honestly 'di ba? Aminin natin 'yan, kaya nga tayo nandito sa earth, kaya tayo may earth because God loves us 'yung mga ganung bagay.

Para sa aktres, may mga pag-ibig din na nanggagaling sa pamilya at mga kaibigan kung kaya ay naniniwala pa rin siya dito.

"There's family love, the love of my dogs, the love of your friends, love is definitely all around, love definitely exists," dagdag pa niya.

Matatandaan na naging mainit na usapan ang hiwalayan nila ng kanyang dating asawa na si Tom Rodriguez ilang buwan lamang matapos silang ikasal.

Sa ngayon, bukod sa kanyang pagbabalik telebisyon, nakatuon din ang atensyon ni Carla sa kanyang pamilya, at pagpapatayo ng kanyang dream house.

Mapapanood naman si Carla bilang si Mary Ann Armstrong sa GMA live adaptation ng Japanese anime series na Voltes V: Legacy.

SAMANTALA, TINGNAN ANG ILAN PA SA MGA STUNNING PHOTOS NI CARLA ABELLANA SA GALLERY NA ITO: