Celebrity Life

Michael V.'s Christmas experience in the US: 'Nakakapagod pero masaya'


It's the third time that Michael V. and his family celebrated Christmas in the United States, yet every year is a new experience for them. Isa na diyan ang pagsama niya sa kanyang mga magulang, na first time nakaranas ng white Christmas.

Nakapanayam ng GMANetwork.com si Bitoy sa set ng Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento recently, at naikuwento ng batikang komedyante ang naging karanasan ng kanyang pamilya sa Amerika.

"Medyo nakakapagod pero masaya. Pumunta kami ng Mammoth Mountain Ski Area, na mga 5,000 feet ang elevation," panimula ni Bitoy. The said ski resort is located in eastern California, along the Sierra Nevada mountain range.

It's their second time in a ski resort dahil nakapunta na sila sa Big Bear Mountain Resorts na nasa southern California naman. "Doon sa Big Bear nakapag-ski pa kami. This time around, ang daming tao sa Mammoth, na pagkaalis na pagkaalis nga namin, dumating si Harry Styles ng One Direction. Hindi kami nagpang-abot, sayang."

Magandang paraan daw ang ganitong activities nila para sa mga anak niya dahil gusto ni Bitoy na magkahilig sila sa sports. Hindi daw issue sa kanya na medyo risky ang snowboarding and skiing, basta't magsisimula ka sa basic steps.

As for his parents, his father was quite reluctant to join them at first but he eventually convinced him. " 'Yung tatay ko nga parang ayaw pa nung una. Ayaw pang sumama kasi malamig daw, baka bumigay mga tuhod nila. Sabi ko sa kanya, 'Ilang beses ka na ba nakapaglaro sa snow? Paminsan lang 'yan.' Ayun, sumakay sila doon sa gondola na umaakyat para makita nila kung gaano kataas at kabaliw ang mga sports enthusiasts, at nag-enjoy naman sila kahit medyo nalula."

After three Christmases in the US, may balak ba silang dito sa Pilipinas ito ipagdiwang this year?

"This year parang dapat pahinga muna. Nami-miss na namin ang putukan sa Pilipinas, witnessed by those people na nakita ang post ko sa Instagram. Sabi ko 'Fireworks in California. Nganga.' Madilim na sky lang," patawa niyang sagot.

Catch Michael V. on Bubble Gang every Friday after Kapuso Primetime Cinema, and on Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento every Sunday after Kap's Amazing Stories. -- Text by Michelle Caligan, Photo by Meryl Ligunas, GMANetwork.com