Sa kanyang guest appearance sa 'Tunay na Buhay' kamakailan, game na naglaro ng 'Isang Mukha, Isang Tanong' ang basketball player-turned-actor at dating Parañaque City mayor na si Joey Marquez.
Sa nasabing laro, nagpakita ng mga larawan ng mga babae ang 'Tunay na Buhay' host na si Pia Arcangel at sinabi naman ni Joey kung sinu-sino ang mga ito sa buhay niya.
Ang ilan sa kanila ay mga aktres na dating nakarelasyon ni Joey, at ang isa ay naging ina ng apat sa kanyang 16 na anak, at ang isa naman ay ang kanyang current partner.
Kilalanin kung sinu-sino ang mga babae sa buhay ni Joey Marquez sa gallery na ito.
Sinu-sino ba ang mga espesyal na babae na naging parte ng buhay ni Joey Marquez?
Ang dating modelo at aktres na si Alicia Mayer o Catherine Gutierrez sa totoong buhay
Ayon kay Joey Marquez, two years daw silang in a relationship ni Alicia Mayer. Wish daw niya na maging happy ang dating aktres dahil marami rin silang magandang pinagsamahan nito.
Ang actress-TV host na si Kris Aquino
Hiling din daw ni Joey Marquez na maging happy si Kris Aquino dahil may pinagsamahan din daw sila kahit papaano.
Ang actress-politician na si Alma Moreno
Si Alma Moreno ang ina ng apat sa 16 na anak ni Joey Marquez, kabilang na ang Kapuso star na si Winwyn Marquez.
Si Malu Quintana ang kasalukuyang non-showbiz partner ni Joey Marquez.
Ayon kay Joey Marquez si Malu Quintana na raw kanyang “The One.” Ani Joey, “I found someone that I can stay with forever.”
Sabi ni Joey Marquez kay 'Tunay na Buhay' host Pia Arcangel, handa na raw siyang mag-settle down ulit. Sa katunayan, nag-propose na raw siya last year kay Malu.