Filtered By: Newstv
NewsTV

Ang sexy mommy na si Alicia Mayer, bumisita sa 'TWAC'!


January 29, 2014
Wednesday, 10:30 pm
ALICIA MAYER





Sa kauna-unahang pagkakataon, dadalaw sa Tonight With Arnold Clavio si Alicia Mayer, isa sa mga female celebrities na seksing-seksing hands-on mommy!  
 
Una siyang naging model sa Hongkong, pero sa Pilipinas siya nagkaroon ng kontrobersiyal na pictorial nang mag-pose suot ang bikini na gawa sa gulay. Matatandaan din si Alicia bilang cast ng comedy sitcom ng GMA noon na “Lagot Ka, Isusumbong Kita!”


 
Ngayong isa na siyang single mom, pinagkakaabalahan niya ang kanyang business na beauty salon at kasalukuyang nagpapakadalubhasa sa culinary arts!
 
Kamustahin natin ang babaeng walang kupas ang ganda na si Alicia Mayer ngayong Miyerkules ng gabi sa Tonight with Arnold Clavio!