Celebrity Life

Marian Rivera, binalikan ang wedding vow ni Dingdong Dantes

By Aimee Anoc

Isa sa pinakainabangan, pinakaengrande, at pinakamalaking kasalanan noong 2014 ay ang "royal wedding" nina Primetime Queen Marian Rivera at Primetime King Dingdong Dantes.

Mahigit anim na taon nang kasal sina Marian at Dingdong at biniyayaan na rin sila ng dalawang anak na sina Maria Letizia Dantes at Sixto Dantes.

Ngayong araw, July 16, binalikan ni Marian ang wedding vow ng kanyang asawa at ibinahagi ito sa kanyang Facebook page.

"Above all the things that mean the world to me, I give you one thing no other can -- my life. Marian, while only death can do us part, I pray to the very God that put us together that you and I should never part, in this lifetime or the next," ang pangako ni Dingdong.

Unang nagkatambal sina Marian at Dingdong sa Philippine adaptation ng hit Mexicanovela na Marimar noong 2007. Kapwa bumida rin ang dalawa sa Endless Love, Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, at My Beloved.

Samantala, sa special videos na inilabas ng GMA, "Proud to be Kapuso" pa rin sina Marian at Dingdong at para sa kanila ay habang buhay na raw nakaukit sa kanilang pagkatao ang pagiging GMA talent.

Muli namang mapapanood sa GTV ngayong weekend, July 18, 12 pm, ang 2013 film ni Marian na My Lady Boss.

Samantala, isa sa mga sikreto nina Marian at Dingdong sa kanilang relasyon ay ang pagbibigay oras sa isa't isa. Tingnan sa mga larawan sa ibaba ang bonding moments ng dalawa: