Celebrity Life

Bea Alonzo, humihikayat na maging positibo sa buhay sa larawang kuha ng BF na si Dominic Roque

By Aimee Anoc

Ibinahagi ni Kapuso actress Bea Alonzo sa Instagram ang larawang kuha ng nobyong si Dominic Roque.

Kuha ang larawang ito sa kanilang bakasyon sa California kung saan nakasuot ng black leather jacket ang aktres. Makikita ring hinahangin ang buhok nito habang nasa bakuran.

"Sometimes, we lock ourselves up in our negative thoughts that we create this kind of self prison," sulat ni Bea na humihikayat sa lahat na magkaroon ng positibong pagtingin sa buhay.

Ayon pa sa obserbasyon ng aktres, nang dahil sa negatibong pag-iisip hindi namamalayan ng isang tao na patuloy na pala siya sa paggawa ng mga nakasasamang bagay sa kanyang kapwa at maging sa sarili.

"Most of the time, we fall into this trap, making it a habit to either talk trash about other people or ourselves," dagdag pa niya.

HInihikayat ng aktres ang lahat na magkaroon ng positibong pagtingin sa buhay na makapagbibigay kasiyahan sa sarili at maging sa kapwa.

"Today, let's create a positive outlook that will infect other people. After all, happiness is contagious," pagbabahagi ni Bea na may kasamang happy face emoji.

Sa pagtatapos ng post nito, inilagay ng aktres ang pangalan ng nobyong si Dominic na siyang kumuha ng larawan nito.

Noong August 9, kinumpirma ni Bea sa panayam kay Nelson Canlas ang kanyang relasyon kay Dominic.

"It wasn't as if, like masyado ko siyang plano or masyado ako nag-hold back. It just came out naturally," pahayag ng aktres.

Samantala, tignan sa gallery na ito ang sweetest photos nina Bea Alonzo at Dominic Roque: