Celebrity Life

Aiai Delas Alas and Gerald Sibayan celebrate their 4th wedding anniversary

By Aimee Anoc

Binalikan ni Comedy Queen Aiai Delas Alas ang masasayang sandali nang ikinasal sila ng asawang si Gerald Sibayan noong December 12, 2017.

Sa Instagram, ibinahagi ni Aiai ang wedding photos nila ni Gerald. Ayon sa komedyante, hiling niya ang marami pang taong pagsasama nilang mag-asawa.

"Happy 4th wedding anniversary, my darl. Parang kailan lang ang bilis ng panahon apat na taon na tayong kasal. Nawa'y marami pang taon ang ating pagsasamahan sa tulong ng Diyos at ng mahal na inang Maria," pagbabahagi ni Aiai.

Dagdag niya, "May forever. I love you so much my darling [Gerald SIbayan].

Kasalukuyang nasa Amerika sina Aiai at Gerald para pagtuunan ang kanilang buhay may asawa. Plano rin nilang dalawa na magkaroon ng anak via surrogacy.

Samantala, balikan ang naging kasal nina Aiai Delas Alas at Gerald Sibayan sa gallery na ito: