
Todo sa pagpapakilig sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara sa kanilang simple pero sweet na bonding kamakailan.
Sa Instagram, ibinahagi ni Kyline ang cute na moments nila ni Mavy na sumasayaw sa mga lumang tugtugin habang nakasakay sa ibabaw ng isang pickup truck.
Kitang-kitang enjoy na enjoy sina Mavy at Kyline sa kanilang muling pagsasama.
Maging ang Lolong actor na si Ruru Madrid ay hindi napigilang mag-comment sa umaapaw na kilig moments ng MavLine, "Cute ."
Parehong naging bahagi sina Mavy at Kyline ng katatapos lamang na GMA Telebabad series na I Left My Heart in Sorsogon.
Kabilang din sina Mavy at Kyline sa next big loveteams ng Kapuso Network na Sparkle Sweethearts.
Samantala, tingnan ang ilan pang kilig photos nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara sa gallery na ito: