GMA Logo Sanya Lopez in Thailand
Source: sanyalopez (Instagram)
Celebrity Life

Sanya Lopez, hinanap ang kanyang 'prince charming' sa Thailand?

By Jimboy Napoles
Published October 29, 2022 1:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cases vs. Sarah Discaya, others transferred to Lapu-Lapu City
PNP probing PH visit of Bondi Beach shooters
GMA Network transitions to cloud-based IP distribution via partnership with Synamedia and Telered Technologies and Services Corp.

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez in Thailand


Natagpuan naman kaya ni Sanya Lopez ang kanyang hinahanap sa Thailand? Alamin DITO:

Masayang nagtungo ang Kapuso actress na si Sanya Lopez sa bansang Thailand kamakailan para sa isang maikling bakasyon.

Sa Instagram, ibinahagi ni Sanya ang mga larawan niya habang nag-eenjoy sa paglilibot sa nasabing bansa.

Ilan sa kanyang binisita ay templo, street food areas, at fine dining restaurants.

Sa isang post, ibinida ni Sanya ang kanyang pagtungo sa isang restaurant na may view ng cityscape ng Bangkok.

"Cocktail night," simpleng caption ni Sanya.

A post shared by Sanya Lopez (@sanyalopez)

Dinagsa naman ng kanyang mga kaibigan ang comments section ng naturang post gaya ng kanyang co-stars sa First Yaya at First Lady na sina Kakai Bautista, Thou Reyes, at Analyn Barro.

Nagkomento rin ang gumaganap ngayon bilang si Sisa sa Maria Clara at Ibarra na si Andrea Torres. Sa comment ni Andrea, tila may pahiwatig naman si Sanya sa naging tugon niya rito.

"Ayeeeee! Ayan na! Ganda oh!" komento ni Andrea.

"@andreaetorres maghanap na tayoooo HAHA [laughing emojis]," kuwelang sagot naman ni Sanya.

Sa hiwalay na post, makikita naman ang larawan ni Sanya sa labas ng isang famous temple sa naturang bansa.

'Have you seen my prince?" caption naman dito ni Sanya.

A post shared by Sanya Lopez (@sanyalopez)

Sa media conference ng kanyang single na "Hot Maria Clara" kamakailan, matatandaan na inamin mismo ni Sanya na siya ay NBSB o no boyfriend since birth pero pinili niya raw ito dahil gusto niya munang mag-focus sa kanyang career.

Aniya, "Ngayon, naka-focus po ako sa sarili ko. Naging busy din po talaga ako.

"May mga nanligaw din naman pero hindi pa siguro talaga ako nagbibigay ng time para sa kanila."

"Once na magka-boyfriend ako, gusto ko may time na ako para sa kaniya," dagdag pa niya.

SILIPIN ANG PRETTIEST PHOTOS NI SANYA SA GALLERY NA ITO: