Ashley Ortega confirms relationship with Mavy Legaspi

GMA Logo ashley ortega and mavy legaspi
source: ashleyortega/IG, mavylegaspi/IG

Photo Inside Page


Photos

ashley ortega and mavy legaspi



Inamin ni Ashley Ortega ang totoong estado ng relasyon nila ni Mavy Legaspi. Ito ay matapos mag-post ang dalawa ng ilang litrato na nagpapakita na magkasama nila ipinagdiwang ang Sinulog Festival sa Cebu.

Matatandaan na naging mainit ang pangalan nina Ashley at Mavy nang mag-post ng ilang litrato sa kani-kanilang Instagram page, kung saan makikitang nakaakbay ang isa sa kanila.

Sa comments ay ilang netizens ang nagsabi na bagay ang dalawang aktor sa isa't isa, habang ang iba naman ay nagpakita na ng suporta kung totoong meron nga silang relasyon.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, February 10, ay binigyang linaw na ni Ashley ang totoong namamagitan sa kanila ni Mavy.

Diretsahang tanong ni King of talk Boy Abunda, “Oo o hindi, kayo na ba ni Mavy Legaspi?”

Sagot ni Ashley, “I think it's obvious naman. Yes.”

Kuwento ni Ashley, mga bata pa lang ay magkakilala na sila ni Mavy. Ngunit noong nakaraang taon lang nang makilala niya nang husto ang binata. Paglilinaw pa ng Pulang Araw aktres, nagkamabutihan sila ni Mavy pagkatapos ng break up nito kay Kyline Alcantara.

“I think it started, there was this one night kasama 'yung mga friends namin, so dun ko siya nakilala and then, nagtuloy-tuloy na. Then, he asked me out if we can have lunch or dinner together, just the two of us, you know, get to know more about each other, 'tapos nagtuloy-tuloy na,” sabi ni Ashley.

Related gallery: The sexiest looks of Ashley Ortega

Aniya, thoughtful at generous si Mavy sa kaniya noong nililigawan siya nito. Gayunman, sinabi ni Ashley, hindi naman siya magrande na tao na kailangan ng surprises. Sa halip, “Ano lang talaga, mas more on conversational kasi.”

Pag-amin naman ng aktres dahil mas matanda siya ng halos tatlong taon kay Mavy, hindi niya inaasahang masasabayan nito ang maturity niya.

“He's actually mature. Parang in our relationship, parang ako nga 'yung pabebe girl, e. He takes care of me and 'yun 'yung parang napatunayan niya when we were going out,” sabi ng aktres.

Nang tanungin naman ng batikang host kung gaano na katagal ang kanilang relasyon, ang sagot ni Ashley, “Secret. Secret na lang 'yun.”


Ashley
Mavy
Mavy and Ashley
Friends
Group
Legaspi Family

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo