Bea Alonzo and Dominic Roque reveal Ian Veneracion is their 'cupid'

Patuloy na kinakikiligan ng fans at netizens ang naganap na engagement ng celebrity couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque.
Sa naging panayam nila sa Kapuso Mo, Jessica Soho kamakailan lang, ibinahagi ng newly-engaged couple ang kanilang love story.
Kabilang sa kanilang ikinuwento ay kung sino ang nagsilbing matchmaker nilang dalawa bago sila tuluyang mahulog sa isa't isa.
Sabay na ibinunyag nina Bea at Dominic na ang parehas nilang kaibigan na si Ian Veneracion ang kanilang naging tulay.
Ayon sa couple, “Siya [Ian Veneracion] 'yung cupid namin, siya talaga 'yung matchmaker.”
Pagbabahagi pa ni Dominic, “Si Kuya Ian po talaga 'yung nagsabi sa akin na parang may pag-asa ka kay Bea or something.”
Ayon naman sa Kapuso actress, “Sabi ko naman kay Kuya Ian, ang bata niya [Dominic], pero cute naman.”
Kasunod nito, nagkaroon ng pagkakataon na mas makilala nina Bea at Dominic ang isa't isa nang magkasama sila sa isang trip abroad.
Samantala, si Ian ay isa sa mga matalik na kaibigan ni Bea sa entertainment industry, na kaibigan din ni Dominic.
Minsan nang nag-guest sa vlog ni Bea si Ian, kung saan napagkuwentuhan ng dalawa ang kani-kanilang mga personal na buhay.
Bago maging isang ganap na Kapuso si Bea, nakasama na niya sa ilang proyekto ang aktor na si Ian.
SILIPIN ANG RELATIONSHIP TIMELINE NINA BEA AT DOMINIC:










