LOOK: Career highlights of Herlene Budol

Mula sa pagiging 'Wowowin' contestant, isa si “Sexy Hipon” Herlene Nicole Budol sa pinakakilalang hosts mula sa naturang high-rating variety game show.
Unang tumapak sa entablado ng 'Wowowin' si Herlene nang sumali ito sa segment ng show na “Wil of Fortune” noong 2019 kung saan labis siyang kinagiliwan hindi lamang ng audience kundi pati na rin ng batikang host na si Willie Revillame.
Mula sa pagiging internet sensation ng tinaguriang si “Sexy Hipon” at host ay sumabak na rin sa pag-arte si Herlene. Una siyang napanood sa real-life drama anthology na 'Magpakailanman' o '#MPK' kung saan gumanap siya bilang si Jenny sa episode na “Yaya Dubai and I” at kamakailan lang ay itinampok din ang talambuhay ni Herlene sa nasabing programa kung saan siya mismo ang gumanap sa sarili niyang kuwento.
Lumabas din siya sa iba pang Kapuso shows tulad ng 'Madrasta,' 'One of the Baes,' at 'Daddy's Gurl.'
Naging parte din si Herlene ng GMA mini-drama series na 'Stories From The Heart: Never Say Goodbye' kung saan nakasama niya sina Klea Pineda, Jak Roberto, Lauren Young, at marami pang iba.
Huling natunghayan ang kakaibang side ni Herlene sa fantasy rom-com ng GMA na 'False Positive' na pagbibidahan nina Glaiza De Castro at Xian Lim. Gumanap siya bilang mythical character na si Maganda, kasama si Buboy Villar na magbibigay-buhay naman kay Malakas.
Samantala, nakatakda namang bumida sa sarili niyang serye ang dalaga under GMA. May title itong 'Magandang Dilag.'
Tunghayan ang beautiful transformation ni Herlene sa gallery na ito:




































