'It's Showtime' family, nagbardagulan sa 'Family Feud'

Isang riot sa saya na episode ng Family Feud ang napanood ngayong Lunes, April 8, kung saan naglaro ang It's Showtime family.
Sa naturang episode, naglaban ang team ng dalawang superstars na sina Vice Ganda at Anne Curtis.
Kasama ni Unkabogable Vice sa Team Vice sina Jhong Hilario, Amy Perez, at Jugs Jugueta.
Lumab-Anne din ang Team Anne kasama sina Vhong Navarro, Ogie Alcasid, at Teddy Corpuz.
Sa kanilang paglalaro, dinala ng noontime show hosts ang kanilang masayang bardagulan at pagiging witty sa pagsagot ng survey questions ni game master Dingdong Dantes.
Balikan ang napakasayang guesting ng It's Showtime sa Family Feud sa gallery na ito:











