Lotlot de Leon, humingi ng respeto sa privacy ng kanilang pamilya

GMA Logo lotlot de leon
Photo by: ms.lotlotdeleon IG, FB

Photo Inside Page


Photos

lotlot de leon



Patuloy na nagluluksa ang pamilya ni Lotlot de Leon sa pagpanaw ng kanyang ina, ang National Artist at Superstar na si Nora Aunor.

Madalas dalawin ng mga mahal sa buhay ang puntod ng beteranang aktres, at sa social media ay ibinabahagi nila ang mga taos-pusong mensahe ng pag-alala.

Ngunit kamakailan, naglabas ng opisyal na pahayag si Lotlot ukol sa kahilingan ng kanilang pamilya na respetuhin ang kanilang privacy sa gitna ng pagluluksa.

Ayon sa abogado ng aktres na si Atty. Mark Julius Estur, nagnanais si Lotlot at ang kanyang mga kapamilya ng katahimikan at pribadong espasyo habang pinoproseso ang kanilang pagdadalamhati.

"Anumang mga alalahanin o isyu hinggil kay Ms. Lot de Leon ay pwedeng talakayin sa tamang panahon at sa tamang lugar. Kasama dito ang hindi pagsagot sa kung anumang tugon o atake sa media o online," ani Atty. Mark Julius.

Dagdag pa ng abogado, mananatiling dedikado si Lotlot sa paggalang sa alaala at dignidad ng kanyang ina. Kaya't sisiguraduhin din umano ng aktres na maprotektahan ang karapatan ng kanilang pamilya laban sa online harassment, cyberbullying, at defamation.

Handa rin umano ang kampo ni Lotlot na magsagawa ng legal na hakbang kung sakaling may paglabag sa kanilang karapatang pantao o personal na hangganan sa mga digital o online platform.

"Lahat ng hakbang ay sisiguraduhin nating nakatuon kami sa paghawak ng mga bagay na may propesyonalismo at tamang pagtalakay para na rin proteksyon ng pamilya at lahat ng apektado. Kami naman ay makikipagtulungan sa tama at legal na paraan at naaayon na lugar," dagdag ni Atty. Estur.

"Sa lahat ng nangyayari at sitwasyon, alam nating laging mayroong iba't ibang salaysay at perspektibo or istorya, ngunit alam din natin na ang katotohanan ang palaging lalabas sa huli."

Pumanaw si Nora Aunor noong April 16 sa edad na 71 dahil sa acute respiratory failure.

Noong April 22, ginanap ang isang necrological service para sa Superstar at siya ay inilibing sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City bilang pagkilala sa kanyang kontribusyon sa sining at kultura.

Kahapon, May 25, muling dumalaw si Lotlot, kasama ang ilang kaanak at kaibigan, para alalahanin ang ika-40 araw na pagkamatay ng kanyang ina.

Samantala, tingnan ang celebrities na naghain ng cyber libel sa gallery na ito:


Piolo Pascual and Sam Milby
Lolit Solis
Erik Santos
Jobert Sucaldito
John Lapus
Jobert Sucaldito
Kris Aquino
Jesus Falcis III
Liz Uy
Fashion Pulis
Deniece Cornejo
Michael Sy Lim
Catriona Gray
Fake photos
Annabelle Rama and Eddie Gutierrez
Cristy Fermin
Annabelle Rama
Jayke Joson
Nadia Monetenegro
Annabelle Rama
Amalia Fuentes
Annabelle Rama
Amalia Fuentes
Ruffa Gutierrez
Esther Lahbati
Cristy Fermin
Bea Alonzo
Cristy Fermin and Ogie Diaz
Sharon Cuneta and Kiko Pangilinan
Cristy Fermin
Vic Sotto
Darryl Yap

Around GMA

Around GMA

Bicam defers DPWH budget talks, proceeds with other agencies
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection