Pasilip sa season finale ng 'MAKA'

Madamdamin at mabigat ang mga eksenang masasaksihan sa season finale ng GMA Public Affairs' youth-oriented show na MAKA ngayong Sabado, December 7.
Sa teaser na inilabas para sa episode 12 ng MAKA, na-comatose si Dylan (Dylan Menor) matapos na mabangga ng sasakyan habang pinipigilan ang ama (Epy Quizon) na kuhanin ang kanyang ina. Makaka-survive kaya si Dylan sa pagka-comatose?
Isang nakagugulat na rebelasyon naman ang nalaman nina Olive at JC tungkol sa tunay na ama ng huli. Sino kaya ito?
Samantala, harap-harapan nang sinabi ni Marco ang feelings niya para kay Ashley. Ipagtatapat na rin kaya ni Ashley ang tunay na nararamdaman kay Marco?
Tingnan ang ilang behind-the-scenes ng mga eksena sa episode 12 ng MAKA sa gallery na ito:




