GMA Logo John Clifford and Olive May singing MAKA ost Gugma
What's on TV

John Clifford at Olive May, 'nahigugma' sa isa't isa sa bagong soundtrack ng 'MAKA'

By Aimee Anoc
Published December 3, 2024 5:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

John Clifford and Olive May singing MAKA ost Gugma


"Ikaw raang naa sa akong kasing-kasing." Pakinggan ang nakakakilig na recording nina John Clifford at Olive May ng 'MAKA' OST na "Gugma" rito.

Bukod sa "Catching Feelings" nina Zephanie at Dylan Menor at "Puwede ba?" nina Marco Masa at Ashley Sarmiento, inilabas na rin ng MAKA ang isa pa sa kilig na original soundtracks nito, ang "Gugma," na inawit naman ng love team na sina John Clifford at Olive May.

Pinakilig nina John Clifford at Olive May maging ang Bisaya-speaking fans sa kanilang recording ng Tagalog, Bisaya love song na "Gugma," na napapakinggan sa kanilang mga eksena sa MAKA.

Ang "Gugma" ay likha ni Rina Mercado under GMA Post Music Production.

Parehong mula sa Cebu ang dalawang Sparkle stars na napapanood ngayon sa inspiring youth-oriented show na MAKA.

Paniguradong "nahigugma" na rin kayo sa nakakakilig na awiting ito nina JC at Olive.

Patuloy na subaybayan ang love team nina John Clifford at Olive May sa season finale ng MAKA ngayong Sabado, December 7, 4:45 p.m. sa GMA.

MAS KILALANIN SI OLIVE MAY SA GALLERY NA ITO: