
Maraming napag-usapan ang Kapuso actresses na sina Bea Alonzo at Andrea Torres sa pamamagitan ng isang vlog.
Sa YouTube channel ni Bea, mapapanood ang kwentuhan moments nila ng kanyang Love Before Sunrise co-star na si Andrea.
Dahil sa naturang content, maraming nalaman ang huli mula sa una.
Kabilang sa mga ito ang tungkol sa kung ano ang posibleng trabaho ngayon ni Andrea kung hindi siya naging isang artista.
Tanong ni Bea kay Andrea, “Kung ikaw hindi ka naging artista, ano sa tingin mo ang magiging profession mo?”
Sagot ni Andrea, “Feeling ko Derma [Dermatologist] or Lawyer… Mahilig ako talaga sa skin care products.
Sa kalagitnaan ng pagsagot ni Andrea, pinuri ni Bea ang magandang kutis ng una.
Dagdag na sagot ni Andrea, “[Lawyer]... mahilig ako sa mga documentary, crime docu… Actually, hindi ako natatakot kapag horror. Natatakot ako kapag docu, mas doon ako parang pinagpapawisan.”
Panoorin ang kwentuhan moments nina Bea at Andrea sa vlog sa ibaba:
Samantala, nito lamang January 2023, nagsilbing covergirl ng lifestyle magazine na Cosmopolitan Philippines ang Kapuso star na si Andrea.