GMA Logo Angel Leighton in Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis
What's on TV

Angel Leighton, ibinahagi ang aral na natutunan mula sa karakter na si Pretty Competente sa 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis'

Published August 17, 2023 8:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cebu landfill landslide victims now all accounted for with last missing body found
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

Angel Leighton in Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis


Ano kaya ang natutunan ni Sparkle actress Angel Leighton mula sa kanyang role bilang Patrolwoman Pretty Competente?

Mayroong mahalagang aral na natutunan ang Sparkle star na si Angel Leighton mula sa kanyang character na si Patrolwoman Pretty Competente sa action-comedy series na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.

RELATED CONTENT: Angel Leighton marks 21st birthday in style

Ayon sa 21-year-old actress, ito ay ang pagiging matapang na indibidwal.

Kuwento niya sa naganap na TikTok Live kamakailan, “Ang natutunan ko talaga bilang Pretty Competente is 'yung pagiging matapang. Kasi si Pretty matapang talaga, e. In real life naman, matapang din ako pero siyempre hindi katulad ni Pretty talaga na walang takot. Kapag nakita niya 'yung mga kalaban, pupuntahan niya kahit siya mag-isa, diretso agad.”

Labis ang pasasalamat ni Angel sa bumubuo sa high-rating action-comedy series dahil naging malaking tulong sila para mabuo niya ang kanyang role bilang Pretty Competente.

“Sobrang thankful ako sa lahat kasi tinulungan talaga nila ako. Mga direktor, prod, mga co-actor ko, tinulungan nila ako talaga para gumanda 'yung imahe ni Pretty Competente, kung paano ko siya dalhin.

“Sobrang thankful ako talaga sa lahat ng cast, sa lahat ng bumuo ng Walang Matigas Na Pulis [Sa Matinik na Misis]” aniya.

Samantala, ipinagdiwang ni Angel ang kanyang 21st birthday noong nakaraang August 6.

Huwag palampasin ang finale ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis, Linggo, 7:15 p.m., sa GMA.