
Para kay Ara Mina, ang King of Philippine cinema na si Fernando Poe Jr. ang pinaka-gentleman na nakaeksena niya.
Sa interview kay Susan Enriquez para sa "Kay Susan Tayo! Vlogs," binalikan ng '90s sexy star ang kissing scene nila ni FPJ sa 2000 film na Ayos Na... Ang Kasunod, kung saan aniya ay love team sila.
"May kissing scene kami sa movie namin," sabi ng aktres.
Nang tanungin kung paano niya nasabing gentleman si FPJ, sagot ni Ara, "Sobrang ano siya, 'Okay lang ba, hahalikan kita?'"
Kuwento pa ng aktres, "Eh 'yung time na 'yon nasa Clark kami, shooting namin, may jet lag ako, 'Okay lang po.' So after nung kissing scene namin, parang nakatulog ako.
"Kasi ang tagal din. After kissing scene namin... parang may eksena na nakatulog na kami kunwari... paggising ko wala siya sa tabi ko. Nakatulog talaga ako. Ibig sabihin, ganu'n siya ka-gentleman."
Panoorin ang buong interview ni Ara Mina sa "Kay Susan Tayo! Vlogs" dito: