GMA Logo Awra Briguela
Source: Fast Talk with Boy Abunda
What's on TV

Awra Briguela, napahamak sa pagsagot sa bashers

By Kristian Eric Javier
Published August 9, 2026 1:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alas Pilipinas Girls sweep Tunisia to bolster hopes in FIVB U17 World Championship
Tornado displaces families; knocks down trees, posts in Iloilo
'The Girls: A Khloé Kardashian Project' premieres August 21st exclusively on Dinsey+

Article Inside Page


Showbiz News

Awra Briguela


Muntik na raw mapahamak si Awra Briguela dahil sa pagpatol niya sa kanyang bashers.

Naging laman muli ng balita ang actress-comedienne na si Awra Briguela matapos sagutin ang isang netizen na nag-comment sa isa sa mga videos niya. Ang inaakala niya kasing basher, isang genuine na alok ng tulong pala.

Matatandaan na nag-post si Awra ng vlog tungkol sa pagpunta niya sa Vietnam. Isa sa mga komento doon, inalok ang aktres na maging interpreter niya kapag muling bumisita sa bansa. Ngunit si Awra, hindi naging maganda ang sagot sa nag-comment.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, August 7, ipinaliwanag ni Awra na hindi niya inaasahan ang genuine na comment mula sa netizen matapos makatanggap ng pamba-bash sa parehong video kung saan nag-comment ang concerned netizen.

“Kasi Tito Boy, sa buong vlog ko po, ang kino-comment ng tao sa wrong grammar ko, sa English ko, kesyo huwag na daw ako mag-English, or even 'yung joke ko po na English na minamali ko po talaga, pinupuna po nila kahit binibigyan ko ng context,” sabi ni Awra.

“So parang feeling ko po, 'yung comment niya is attack sa 'kin na kailangan ko ng interpreter 'pag mag-iibang bansa kaya i-message ko siya,” pagpapatuloy ng aktres.

BALIKAN ANG KILLER RESPONSE NG CELEBRITIES SA KANILANG BASHERS SA GALLERY NA ITO:

Paglilinaw ni Awra, honest mistake lang ang pagsagot niya ng hindi maganda sa netizen. Kaya naman nang mabasa niya ang sagot nito, at ang post ng anak ng netizen sa Threads, binura kaagad ni Awra ang comment niya at humingi ng tawad dito.

“Parang nu'ng nakita ko po 'yung post, kinlarify ko po agad, nag-apologize po agad ako, and nag-take po ako kaagad ng accountability about sa pagkakamali ko kasi genuinely, Tito Boy, mali ko po talaga 'yun at alam ko naman po tanggapin or i-own up 'yung pagkakamali lalo na po 'pag nagkamali po talaga ako,” sabi ni Awra.

Pagbabahagi pa ng aktres, January pa lang nitong taon na ito ay ipinangako na niyang hindi na siya papayag na ma-bully pa o ma-bash ng mga tao online nang walang dahilan. Pag-amin ni Awra, nagmula ang desisyon niyang ito noong unang araw pa lang ng taon matapos niyang makatanggap kaagad ng pamba-bash.

“So parang this year, 'yun 'yung promise ko sa sarili ko, mag-stand up for myself until lately po, medyo nako-consume na po ako ng bashers, lalo na po sa recent incident po na nangyari na hindi ko akalain na genuinely sincere o nagke-care naman po pala 'yung comment, pero ang pagkakaintindi ko is attack pa rin or bash pa rin,” sabi ni Awra.

Sabi pa ng aktres, dahil sa araw-araw na routine niya na pagsagot sa mga bashers, pakiramdam niya ay lahat ng komento tungkol sa kaniya ay atake na, dahilan para masabi niya ang mga hindi kagandahang bagay sa naturang netizen.

“'Yung trauma response ko po or 'yung nagiging initial reaction ko lagi is sumagot po ng mas masakit na salita or lumaban. Ang tendency po, hindi na po ako nakakapag-isip minsan nang maayos or bumababa po 'yung pag-unawa ko kasi mas nangingibabaw po 'yung pagtayo ko para sa sarili ko,” sabi ni Awra

Panoorin ang panayam kay Awra dito: