
Looking forward ang new Kapuso star na si Bea Alonzo na makabisita sa tahanan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.
Matatandaang personal na inimbita ng Kapuso Primetime Queen si Bea ng magkasama ang dalawa sa isang virtual event na inorganisa ng isang beauty brand.
“Doon lang talaga kami nagkaroon ng time mag-chikahan.
"Because before nakatrabaho ko rin si Dingdong sa isang pelikula [She's the One] pero hindi ko talaga nakasama si Marian, during our premiere night lang,” kuwento ni Bea nang mag-guest sa masayang GMA Pinoy TV FunCon.
During the GMA Pinoy TV FunCon ay nagpaabot ng video greeting sina Marian at Dingdong kay Bea para ipahiwatig ang suporta nila sa aktres ngayon na nasa Kapuso network na ito.
“I'm happy kasi ganyan sila ka-warm mag-welcome and I'm so looking forward to working with them and having them as my friends,” reaksyon ni Bea matapos mapanood ang video.
Instagram friends na ngayon sina Bea at Marian at dito lang din sila nakakapag-usap sa ngayon.
“Nagpa-private message kami after our event last week and we follow each other on Instagram. Konting chikahan, kasi I think we have common friends,” saad pa ni Bea.
Isa pa sa dahilan kaya excited si Bea na mabisita si Marian ay para matikman ang menudo specialty nito.
“Sure, pagkatapos ng pandemya at ipagluluto ko kayo ng menudo ng lola ko,” pangako ni Marian kay Bea nang makapag-usap ang dalawa sa event nila last week.
“Bea, kailangan magluto ka rin. Magdala ka rin ng niluto mo,” request ni Marian sa fellow actress.
Game naman si Bea na magluto rin para dalhin sa tahanan ng Dantes family sakaling matuloy ang plano nilang pagkikita kapag natapos na ang pandemya.
“I'm looking forward na mapaglutuan at matikman ko ang menudo ng lola niya,” nakangiting sambit ni Bea nang tanungin ng GMANetwork.com sa FunCon event.
Dugtong pa ni Bea, “Sana potluck kasi gusto ko din magluto naman ng kaldereta o iba pang putahe para dalhin sa bahay niya.”
Samantala, alamin kung sino sa mga Kapuso stars ang dati nang nakatrabaho ni Bea Alonzo sa gallery na ito.