
Matamis ang naging sagot ng Kapuso actress na si Bea Alonzo sa tanong ng isang netizen kung ano ang pinaka-nagustuhan ng aktres sa kanyang boyfriend na si Dominic Roque.
"What do you like about Dom the most?" tanong ng isang fan sa 'ask away' trend sa Instagram Story ni Bea.
Agad naman itong sinagot ng aktres at ibinahagi rin sa kanyang IG Story.
"The way he loves me. The way he takes care of me," ani Bea.
"Ang sarap pala [nang] inaalagaan [heart emoji]," dagdag pa niya.
Source: beaalonzo (Instagram)
Isang buwan pagkatapos lumipat ni Bea sa GMA Network noong nakaraang taon, ipinagtapat ng aktres na totoong may relasyon na sila ni Dominic.
Bagamat hindi raw naging madali ang pag-amin ni Bea, masaya naman daw siya at nagawa niya ito. Mas naging bukas na rin sa publiko ang masayang pagsasama ng dalawa.
Sa isang post, ibinahagi rin niya na wala pa sa plano niya ang pagbuo ng sariling pamilya at hindi naman siya nagmamadali.
“May taxi? Hindi ako nagmamadali. I'd like to take my time. It's not a race after all,” aniya.
Sa ngayon ay abala na rin si Bea sa paghahanda para sa unang serye niya bilang Kapuso at ang unang pagtatambal nila ni Alden Richards sa isang pelikula.
Samantala, balikan naman ang ilang sweet moments nina Bea at Dominic sa gallery na ito: