Showbiz News

WATCH: Kyline Alcantara, nais magbigay inspirasyon sa pamamagitan ng kanyang acne journey

By Cara Emmeline Garcia

Maraming na-inspire sa kuwento ni Kapuso actress Kyline Alcantara nang ibahagi niya ang kanyang acne journey sa Instagram kamakailan.

Aminado ang aktres na inspirado siyang i-post sa social media ang kanyang acne breakouts dahil sa role niya sa pelikulang Black Lipstick.

“Gusto ko pong maipahayag kung ano yung napagdaanan ko, yung story ko, yung journey ko sa ganung side ng life.

“Naba-bash po ako, parang, 'Ang kapal kapal na nga ng make up mo pero kita pa rin 'yung pimples mo.'

“Bumaba po talaga 'yung confidence ko sa sarili ko na dumating sa point na iniiyakan ko na po sina Mama.”

Pero sa halip na malungkot, hindi nawalan ng pag-asa si Kyline hanggang sa matutunan niya ang tamang paraan para alagaan ang kanyang mukha.

Kaya ang payo nito para ma-achieve ang flawless skin, “Kahit sobrang pagod na pagod na po ako, I wash my face and always consult a specialist na sobrang eksperto na po sa balat.

“Also, it's okay not to be okay sometimes kasi tao ka, e. May nararamdaman tayo but be confident.

“And if you're trying to pursue perfection, you will fail because it will never come. We're all perfectly imperfect.”

Panoorin ang buong chika ni Lhar Santiago:

LOOK: Kyline Alcantara opens up about struggle with acne in self-love post

LOOK: Kapuso actress Ayra Mariano reveals struggling with acne and PCOS