Showbiz News

Acne breakouts sa pagsusuot ng mask, posible

By Dianara Alegre

Mask is a must ngayong pandemic pero ang problema, may ilang nagkakaroon ng tinatawag na mask acne o maskne o ang pagbreak out ng acne sa balat dahil sa matagal na pagsusuot ng face mask.

Pero bukod sa palagiang pagsusuot ng mask, malaki rin ang epekto ng pagpupuyat sa pagkakaroon ng acne breakout ngayong quarantine.

Hindi nakaligtas diyan si Kapuso actress Yasmien Kurdi na kahit hindi nagme-make up ay nakararanas umano ng breakouts.

“Kasi lagi akong nagpupuyat, nanonood ako ng mga K-drama. Isa rin 'yung factor na 'yon kapag nagpupuyat ka, 'di ba? Magbe-breakout ka talaga,” aniya.

Ayon naman sa isang dermatologist, may epekto talaga sa katawan ang pagpupuyat. Hindi rin umano epektibo ang paghahabol ng tulog bilang pamalit sa puyat.

“That's a misconception. The body knows you are sleeping late. Hindi siya pareho ng quality. If you're going to catch up on your sleep or hahabulin mo 'yung tulog, if that happens, you will secrete stress hormones.

“Stress hormones will actually cause eruptions to your face,” paliwanag ni Dr. Michael Dellariarte.

Dumarami rin ngayon ng cases ng maskne o pimple breakout sa bahagi ng mukha kung saan dumidikit ang mask.

UPDATED: How to wear and dispose your face mask properly

Pops Fernandez, designer Avel Bacudio, may DIY face mask tutorial

Allergic reaction umano ito sa mga kemikal na nasa masks.

Para naman sa ilang kaso, contact dermatitis ang tawag dito.

“Kasi kapag may nakapatong or naka-occlude sa skin natin, mag-exacerbate talaga siya ng acne. Imagine the oil cannot go anywhere,” sabi pa ni Dr. Dellariarte.

Panoorin ang buong 24 Oras report: