
Nanguna naman sa TV ratings ang hit gag show na Bubble Gang last Sunday night.
Mukhang napa-“Best Time Ever” ang ating mga Ka-Bubble dahil base sa NUTAM People Rating noong March 31, nakapagtala ang award-winning comedy program ng 8.3 percent kontra sa katapat nitong programa.
Imbes na magulat ang mga empleyado at customer na nagtatrabaho sa Prima Bank dahil sa mga holdaper, tila ang mga kawatan ang nagtataka sa sistema ng naturang bangko.
Hindi kasi basta-basta puwede mag-declare ng holdap ang mga kriminal at kailangang pumila at i-fill out ang form para malaman ang halaga na nanakawin.
Matuloy pa kaya ang holdap kung ganito kabusisi ang patakaran ng nanakawan nilang bangko?
Balikan ang LOL moments sa “Hold up Line” sketch kung saan bida sina Joross Gamboa , EA Guzman, Cheska Fausto, Faith da Silva, Betong Sumaya, at Michael V. sa video below.
Holdappang may fall in line!
Birthday party sa kalsada, only in the Philippines!
Foodgle Maps, ang app para sa jowa mong mahilig KUMAIN!
Relax reliever para sa asawa mong panay hilata!
Paano mag-rap battle ang mga doble kara?
Boss mong kulang sa self at birth control
Praning na driver si kuya!
For our Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit http://www.gmapinoytv.com.