
Super lakas ng suporta na natanggap ng longest-running gag show na Bubble Gang sa viwers nitong Linggo ng gabi, December 22.
Nakakuha ang award-winning comedy show ng 7.8 percent TV ratings base sa datos ng NUTAM People Ratings.
Mukhang walang ceasefire sa paborito nating couple sa Bubble Gang dahil huling-huli ni misis (Chariz Solomon) ang kanyang mister (Michael V.) na busy sa pagbabalot ng regalo.
Ang malaking tanong kay misis, sino sina Joanna at Anne sa buhay ng malandi niyang mister?
Totoo kaya na dapat wala siyang dapat ikabahala sa ibibigay nitong mga regalo?
Ulit-ulitin ang funny 'Mr and Mrs' sketch kung saan bida sina Michael V. at Chariz Solomon sa video below!
Mister mong galante magregalo sa mga inaanak-an!
Heto pa ang ilang eksena na masarap ulit-ulitin na napanood sa Bubble Gang:
Napasama pa 'yung regalo ni Santa
Ang grasyang dala ng disgrasya!
Gigil si Stevie sa puto bumbong ni Alicia!
Papa mo si Santa Claus?
It's better to receive than to give?
Mister mong mapagmahal ngayong Pasko!
For our Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit http://www.gmapinoytv.com.