
Sumabak ang ilang bida ng upcoming drama series na Mommy Dearest sa latest dance trend na "APT" Dance challenge.
Sa reel na pinost ni Amy Austria sa kanyang Facebook page, makikita siya, kasama sina Camille Prats at Vivieka Ravanes, na humahataw sa awitin nina Bruno Mars at South Korean singer Rosé na “APT” habang nasa set ng Mommy Dearest.
Caption ni Amy sa kanyang post kung saan naka-tag din sina Camille at Viveika, “Kopyahin si Camille Prats Yambao. Hahaha Sa set ng Mommy Dearest.”
Umabot na ng 1.4 million views ang naturang video sa Facebook, at umani na rin ng mahigit 32,000 likes.
Bukod kina Camille, Amy, at Viveika, kasama rin nila sa serye sina Katrina Halili at Shayne Sava.
Abangan ang Mommy Dearest sa GMA Afternoon Prime soon.
Panoorin ang report ng Unang Balita dito:
BALIKAN ANG CELEBRITIES NA KUMASA SA APT DANCE CHALLENGE SA GALLERY NA ITO: