
Excited na sa TV comeback ng kiddie singing competition na Centerstage ang hosts nitong sina Asia's Multimedia Star Alden Richards at renowned comedian Betong Sumaya, at judges na sina Concert Queen Pops Fernandez, Soul Diva Aicelle Santos, at Maestro Mel Villena.
Kamakailan nga ay ibinahagi nilang nagsimula na ulit silang mag-tape ng bagong episodes na tiyak na magugustuhan at kamamanghaan ng viewers.
Dahil noon lang ulit sila nagsama-sama sa studio matapos matigil sa pag-ere ang Centerstage dahil sa COVID-19, nag-celebrate ang mga ito sa pamamagitan ng pagsayaw ng trending dance challenge sa TikTok, ang Vivi Trend Dance Challenge.
“At dahil sa Feb 7 na po ang pagbabalik ng Centerstage...napa-TikTok kami sa saya. Hehehe.
"Ayan nag-try na naman ako mag-Tiktok. Hehehe. Thank you Betong Sumaya for the video,” post ni Pops sa Instagram.
Napag-alaman na ang steps ng naturang dance challenge ay choreographed ng South Korean girl group na Red Velvet, habang ang kantang sinasaliwan nito ay ang “YRN” (EZRA Remix) ng America hip hop trio na Migos.
Samantala, bukod sa maipagpapatuloy na ang naudlot na pagpapakitang-gilas ng Bida Kids, ipakikita rin ng programa ang kanilang nakabibilib na virtual set.
Ang pagsasagawa o paggamit nito ay alinsunod sa health protocols na ipinatupad ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) kaugnay ng pag-home quarantine ng mga bata upang maiwasan ang pagkahawa ng mga ito sa coronavirus disease.
“Sobra po kaming excited kasi parang sa tagal na hindi tayo nagkita-kita and then, syempre po, bawal lumabas 'yung mga bata, paano nga ba natin dadalhin sa GMA Studio 'yung mga bata?
“Ang pinakanakakamangha po talaga rito ay 'yung grand reveal po na mangyayari sa February 28.
"'Yun po 'yung dapat nating abangan. First-ever po na magkakaroon ng virtual set sa Philippine TV na show,” ani Betong sa ginanap na media conference noong nakaraang linggo.
Magiging kapana-panabik at kamangha-mangha ang matutunghayan ng viewers sa pagbabalik ng Centerstage.
Pero bago ipakita ang “magical” virtual set sa February 28, ipagpapatuloy muna ang naudlot na pag-ere ng mga na-ishoot nang episode sa Studio simula sa Linggo, February 7.
Bukod dito, kaabang-abang din ang mga ipakikitang pagtatanghal ng Bida Kids, na ayon kay Maestro Mel ay sobrang nag-improve.
“It's really going to be exciting. We didn't expect that those children we saw would be this much better.
"They were really fantastic nung iniwan namin, but now because probaby they spent time with the family, they spent time siguro medyo mayroong konting muni-muni sila, maybe they had their fears too as children, 'yung hugot na pwedeng kunin 'pag kumakanta ka, 'yung relating sa story of the song really helped them,” aniya.
Abangan ang much-awaited TV comeback ng Centerstage sa Linggo, February 7, sa GMA.
Panoorin ang never-before-scene footages mula sa nakaraang Centerstage rehearsal: