
Bukod sa pagiging isang singer, pinasok na rin ng The Clash Season 1 alumna at XOXO member na si Dani Ozaraga ang acting.
Kabilang ang singer-actress sa cast ng upcoming figure skating series ng GMA na Hearts On Ice, na pagbibidahan nina Ashley Ortega at Xian Lim.
Kaiba sa mga nauna na niyang acting stints, ito ang kauna-unahang pagkakataon magkakaroon ng role si Dani sa isang primetime series kung saan madalas siyang mapapanood.
Sa Hearts On Ice, gaganap si Dani bilang Jessa, isa sa malalapit na mga figure skater na kaibigan ni Ponggay (Ashley).
Ayon kay Dani, hindi niya naiwasang makaramdam ng takot nang tanggapin ang figure skater role sa Hearts On Ice.
Kuwento niya sa GMANetwork.com, "Sa totoo lang, at first I was so scared kasi feeling ko 'di ako fit para sa role since I don't have the physique of a figure skater and I didn't know how to skate. Kaya inisip ko na lang na may reason kung bakit nakuha ko ang role na ito kaya I need to prove to them na tama ang desisyon nila for getting me."
Pero aniya ay agad ding napalitan ng saya ang takot na naramdaman niya dahil sa magandang samahan ng cast at production team ng serye.
"All I can say is sobrang bait ng mga production staff lalo na si Direk [Dominic Zapata] na sobrang haba ng pasensya sa aming lahat since most of us are newbies. Every taping day is a learning experience for me," pagbabahagi niya.
Makakasama rin ni Dani sa Hearts On Ice sina Amy Austria, Rita Avila, Tonton Gutierrez, Lito Pimentel, Ina Feleo, Cheska Iñigo, Roxie Smith, Kim Perez, at Skye Chua. Mapapanood din sa serye sina Shuvee Etrata at Ella Cristofani.
Abangan ang world premiere ng Hearts On Ice ngayong March 13 sa GMA Telebabad.
KILALANIN ANG CAST NG HEARTS ON ICE SA GALLERY NA ITO: