GMA Logo David Licauco and Shaira Diaz in Without You
What's Hot

David Licauco, Shaira Diaz, aminadong hindi pabor sa konsepto ng 'open relationship'

By Kristian Eric Javier
Published February 10, 2023 3:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mister, hinabol ni misis na armado ng itak sa Northern Samar
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

David Licauco and Shaira Diaz in Without You


Nilinaw naman nina David Licauco at Shaira Diaz, pati na rin ng kanilang 'Without You' co-stars, na walang sinuman ang may karapatang manghusga sa mga taong nasa "open relationship."

Haharapin man ang romantic movie na Without You ang issue ng pagkakaroon ng open relationship, inamin naman ng mga bida nitong sina David Licauco, Shaira Diaz, Riana Pangindian, at Dindi Pajares na hindi sila open sa ganoong sitwasyon.

Sa press launch ng pelikula nila noong February 8, inamin ng mga bida nito na bagama't hindi pa nila nasusubukan magkaroon ng isang open relationship ay hindi nila ito susubukan.

Para kay Shaira na nasa almost 10 years na relationship na sa kapwa Kapuso actor na si Edgar Allan Guzman, ayaw daw niya ito subukan dahil mas nangingibabaw para sa aktres ang respect.

Dagdag pa nito, “Parang hindi okey sa akin na mag explore habang nasa isang, habang nasa commitment ka kung hinahanap niyo 'yung excitement?”

Para naman kay David, hindi naman masama ang mag-explore kung wala ka pang dinedate dahil “nag-hahanap ka ng taong makakasama mo.”

“I don't think there's anything wrong with that. Pero 'yung meron kang mahal na tao tapos nakipag-date ka, medyo malabo siguro 'yun,” dagdag pa nito.

Ang isang open relationship ay ang pag payag ng dalawang magka-relasyon na makipag-date pa rin sa iba.

Nilinaw naman ng dalawa na hindi sila against sa mga taong may ganoong relationship at ang sabi pa ni David, “hindi natin alam kung ano talaga 'yung gusto ng mga tao so wala naman tayong karapatan to judge anyone.”

Ayon naman kay Miss World Philippines 1st Princess 2021 na si Riana, kahit wala pa siyang naging boyfriend noon, ay hindi rin niya gustong mapunta sa isang open relationship.

“I'm also the type to stay in the relationship na kaming dalawa lang,” sabi niya.

Dagdag pa nito, “ba-iba tayo, iba-iba tayo ng kagustuhan so I guess if that works for them, and I hope it does until the end. At the end of the day, what I am learning is that all of us are really in need and in want of love.”

Si Miss Supranational Philippines 2021 Dindi naman, sinabing hindi niya kino-consider ang pagkakaroon o pagpasok sa isang open relationship at para sa kanya, ang pag pasok sa ganoong sitwasyon ay isang paalala na “if hindi mo kaya mag stick to one, and then 'wag ka mag commit.”

“Hindi talaga ako open sa open relationship. Isa lang ang puso natin so para lang sa isang tao,” dagdag nito.

TAKE A LOOK AT SOME OF THE SWEETEST MOMENTS BETWEEN EA AND SHAIRA: