
Ikinuwento ni Kapuso Drama King Dennis Trillo na tumagal ng isang taon ang relasyon nila noon ni Jennylyn Mercado bago sila naghwalay. Nagsimula raw ito nang makasama sila sa ikalawa nilang show sa GMA.
“Nagkahiwalay din kami. After ilang years, nag-reach out uli kami sa isa't isa. Tamang-tama naman, pareho kaming walang partners, single kami pareho,” pagbabalik-tanaw ni Dennis sa guest appearance niya sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, September 15,
Dagdag pa ng Love Before Sunrise actor, katulad ng kanilang serye ay nabigyan sila ni Jennylyn ng second chance, na pinatunayan niyang nangyayari sa totoong buhay.
“'Pag nangyari 'yon, mas maganda dahil pareho na kaming matured, pareho na kaming established at handa,” paliwanag nito.
Dagdag pa ng aktor, “Siguro sa tingin din namin wala nang makakapag-experience sa amin ng pagmamahalan na 'yon.”
BALIKAN ANG NAGING KASAL NINA DENNIS AT JELLYN SA GALLERY NA ITO:
Ayon kay Dennis, ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Jennylen noon ay ang kanilang immaturity at hindi klarong mga plano sa kanilang relasyon kaya sila nagpahinga at nagkahiwalay.
Ngunit noon namang nagkabalikan na sila ay naging mas maganda na raw ang takbo ng kanilang relasyon at sigurado na silang sa kasal na ito matutuloy.
“Early on pa lang, before pang mangyari ang mga proposal, noon pa lang, tawagan na namin sa isa't isa 'asawa.' Alam na namin na doon na talaga papunta ito. Kailangan lang maghanap ng perfect timing para mangyari na ang lahat ng ito,” kuwento ni Dennis.
Unang nagkahiwalay sina Dennis at Jennylyn noong 2011, ngunit nagkabalikan sila noong 2015. Ikinasal sila noong 2021, at biniyayaan ng isang baby daughter, si Dylan, noong 2022.
Mayroon ding anak si Dennis sa actress at dating beauty queen na si Carlene Aguilar na si Calix. Samantalang si Jennylyn ay may isang anak naman kay Patrick Garcia na si Alex Jazz.
Mapapanood ang kabuuan ng panayam kay Dennis sa video sa itaas.