GMA Logo Dolly De Leon Eugene Domingo
What's on TV

Dolly De Leon, sinabing inako noon ni Eugene Domingo ang pagbabayad sa tuition fee ng kaniyang anak

By Jimboy Napoles
Published April 27, 2023 10:25 AM PHT
Updated May 1, 2023 3:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Saksi Livestream: April 29, 2026
Robbery of balut store in Digos affecting small businesses
Sean Lucas enjoys Paris adventure

Article Inside Page


Showbiz News

Dolly De Leon Eugene Domingo


Dolly De Leon kay Eugene Domingo: “Totoong kaibigan talaga ang tingin ko sa kaniya.”

Ibinahagi ng internationally-acclaimed actress na si Dolly De Leon sa Fast Talk with Boy Abunda ang kuwento sa pagkakaibigan nila ng kapwa award-winning actress na si Eugene Domingo.

Kuwento ni Dolly sa TV host na si Boy Abunda, si Eugene o kilala rin bilang Uge, ang isa sa matatagl niya nang kaibigan at ito ang isa sa mga tumulong sa kaniya noong mga panahon na walang-wala na siya.

Aniya, “Kasi si Uge magkakilala na kami niyan bata pa kami, teenagers pa kami, magkasama na kami sa U.P. Theater Arts so barkada na kami niyan.

“And then at at time I was going through a really bad times kasi Kuya Boy may time na walang-wala na talaga akong pambayad ng kuryente, napatigil ang anak ko sa pag-aaral dahil wala akong pambayad ng tuition and a lot of friends came to support me, Uge is one of them.”

Ayon kay Dolly, sinagot noon ni Eugene ang pagbabayad sa tuition fee ng kaniyang anak sa loob ng tatlong taon at hindi raw ito nakalimot kahit pa naging sikat na ito.

“She paid for my son's tuition fee for three years, and she never left, even if she reached that superstardom level already, she was always a friend, she was always Uge, as we know her. Totoong kaibigan talaga ang tingin ko sa kaniya,” saad ni Dolly.

Samantala, nagbigay naman ng payo si Dolly sa lahat ng aspiring actors na dumadaan ngayon sa matitinding rejections.

“Dont you ever think na, 'Ay hindi ako pumasa, wala na akong pag-asa,' no, gawa lang tayo nang gawa, laban lang nang laban, keep going to every audition kasi ang success rate ng audition mababa e.

"Rejection is part of our job. That's the sad thing about being an actor. Rejection is part of it, we have to accept it and live with it,” ani Dolly.

Matatandaan na tinanghal si Dolly bilang first Filipina actress na nanomina sa Golden Globe Awards at British Academy Film Awards (BAFTA) bilang Best Supporting Actress para sa pelikulang Triangle of Sadness.

Sa ngayon, abala na rin si Dolly sa kaniyang mga nakapilang proyekto ngayong taon.

Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

KILALANIN ANG ILANG PINOY CELEBRITIES NA GUMANAP SA INTERNATIONAL FILM AND SERIES SA GALLERY NA ITO: