GMA Logo Pokwang
What's Hot

#Eleksyon2022: Pokwang at ilan pang celebrities, humabol na sa pagpaparehistro

By Jimboy Napoles
Published September 30, 2021 6:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

AI-powered 'glasses for the blind' showcased in Las Vegas tech event
Farm to Table: (January 11, 2026) LIVE
Manifest success in 2026 with these 5 Gemini prompts

Article Inside Page


Showbiz News

Pokwang


Dahil extended na ang voter's registration hanggang October 30, dumami na rin ang mga celebrity na nagparehistro para makaboto sa darating na 2022 elections.

“Yes boboto ako!!!!!!”

Ito ang pambungad na caption ni Kapuso comedienne Pokwang sa kanyang Instagram post kung saan ibinahagi niya ang kanyang larawan bilang rehistradong botante para sa susunod na halalan.

Ayon pa sa aktres, ang kanyang pagpaparehistro ay hindi lamang daw para sa kanyang sarili, kundi para sa kinabukasan ng mga kabataan.

“Hindi ito para sa sarili ko lamang kundi para sa inyo mga kabataan na aming kinabukasan, para sa mga anak ko #halalan2022 higit sa lahat para sa iyo inang bayan,” dagdag pa ng Pepito Manalato: Ang Unang Kuwento star.

A post shared by Mayette (@itspokwang27)

Nagparehistro na rin ngayong araw ang content creator na si Erwan Heussaff para sa 2022 elections. Sa instagram, nagbigay ng mensahe si Erwan para sa mga hindi pa nakapagparehistro.

“Today was supposed to be the last day of registration but it seems like you might get a few extra weeks in October. Please register if you haven't yet. Lines are long but it's worth it!”

May paalala pa ang Filipino-French content creator para sa mga pinoy na piliin daw mabuti ang mga kandidatong kanilang iboboto at iwasan na ang mga bangayan online.

“I really hope we stray away from personality politics and base our decisions on track records and what platform each candidate is running on. Think of it as a job interview, what would you ask the candidate, what prior experience would you look for? What background checks would you do, what would convince you? Which references would you check?

“I hope that instead of shouting and trolling on Twitter, people actually have conversations and educate each other. If someone doesn't vote the same way as you do that doesn't make them wrong. Maybe they have a different perspective and have their reasons. You'll never convince someone to see what you see by shouting at them.” dagdag pa ni Erwan.

A post shared by Erwan Heussaff (@erwan)

Ang aktres na si Jolina Magdangal kasama ang kanyang asawa ay nagtungo na rin sa Commission on Elections voter's registration center ngayong araw para magparehistro.

Sa Instagram din hinikayat ng aktres ang mga magulang na magprehistro na para makaboto sa darating na eleksyon.

“Gusto namin lumaki at mabuhay ang mga anak namin sa isang bansang maayos at maipagmamalaki nila. Gawin nating mga magulang ang dapat at importanteng gawin para maging maayos ang ating bansa.” sulat ni Jolina sa kanyang post.

“Napaka halaga ng karapatan ng bawat isang Pilipino, kaya magparehistro na para sa 2022 na botohan.” dagdag pa niya.

A post shared by 🍀🦋 Jolina Magdangal Escueta 🦋🍀 (@mariajolina_ig)

Bukod kay Pokwang, nagparehistro na rin ang ilan pang Kapuso stars kamakailan gaya nina Michael V., Bea Alonzo, Barbie Forteza, Bianca Umali, Pauleen Luna, at Klea Pineda.

Aprubado na ng Senado ang Senate Bill No. 2408 kung saan extended ang voter registration hanggang October 30. Ang mga Filipino abroad ay maaaring magpa-register simula October 1 hanggang October 14.

Samantala, narito pa ilang mga celebrities na certified registered voter na para sa Eleksyon 2022: